Sunday, April 7, 2013

"Panginoon ko at Diyos ko!"

+

Panginoon ko at Diyos ko! (Jn. 20.28)


Sa "Araw ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesus", ang una sa sanglinggo (Jn. 20.19), maririnig natin sa Banal na Ebanghelio para sa araw na ito: Sumagot si Tomas at sinabi sa Kanya: "Panginoon ko at Diyos ko!" (Jn. 20.28). Ito ang naibulalas ni Sto. Tomas na Apostol sa pagpapahayag ng kanyang pananampalataya sa ating Panginoon at Tagapagligtas na muling nabuhay na hindi lamang nagpakita sa kanya kundi nag-anyaya pa na kanyang ipasok ang sariling mga daliri sa butas na nilikha ng pagpunit ng laman sa tagiliran ni Hesus noong Siya ay mamatay sa Krus. Samakatuwid, ang pananampalatayang Katoliko - na si Hesus ay tunay na Diyos AT tunay na tao - ay siyang pananampalataya ng mga Apostol: tahasang pinahahayag ngayon ni Sto. Tomas.

Muling pinasisinungalingan na maliwanag nang Banal na Kasulatan sa pagkakataong ito ang aral ng sektang itinatag ni Felix Manalo (ang INC, "Iglesia Ni Cristo") at ng sekta ng mga "Saksi ni Jehova" - pareho, katulad ni Luther, na nagsasabing "Biblia lamang" ang kanilang pinaniniwalaan at sinusunod -  na nagtuturo ng testimonya ng Sinagoga ni Satanas (Apoc. 2.9; 3.9) - na si Hesus ay isang tao [lamang] (Jn. 10.33: Mt. 26.63-65; Jn. 19.7).

No comments:

Post a Comment