Monday, September 2, 2013

'Katoliko' daw? (II)

+
J.M.J.

Kapistahan ni Santo Stefano
Hari ng Hungary na nagkonsekra nito sa Pinagpalang Birhen Maria

Kayo ay may ngalan ng pagiging buhay: at kayo ay patay!
(Apocalypsis 3.1)

At nang si Hesus ay dumating na malapit na sa tarangkahan ng siyudad ng Naim, ay aba isang patay na lalaki ang pasan-pasan na inilalabas, tanging-anak ng kanyang ina... (mula sa Banal na Ebanghelio kahapon, ika-1 ng Setyembre, ika-15 Linggo makatapos ang Pentekostes, Luc. 7.11-16 - salin hango sa Biblia Sacra Vulgata Latina ni San Heronimo).

Halos 80% ng populasyon ng Kalakhang Maynila o Metro Manila ay 'Katoliko'. Sinasabi, sa isang banda, na ang dami ng mga Pilipinong Neo-Katoliko o mga 'Makabagong Katoliko' na sunod sa Vatican II (pakikipag-ayon sa mentalidad at takbo ng mundong tiwalag kay Kristo-Hesus at sa Kanyang Santa Iglesia) ay bagkus lumalaki at patunay nito ay ang mga kinakailangang dagdag na pagdaraos ng "Bagong Ritwal ng 'Misa'"* sa wikang katutubo**. Ngunit, sa kabilang banda, ay laganap ang patayan, nakawan, paglapastangan sa Ngalan ng Diyos (gayon din ang nauusong 'Papa' Jesus) at ng Kanyang mga Santo - lalo na ng Kapina-pinagpalang Birhen Maria, pagsuway at mga pag-aalimura lalo na laban sa Iglesia Katolika ("lahat ng mga tao sa bawat dako ng daigdig") Romana (Roma - Sede ni Apostol San Pedro) - na higit dalawang libong taon na mula nang itinatag ng Panginoong Hesus kay Kephas ("bato" sa orihinal na Aramaiko kung saan unang nasulat ang Ebanghelio ni San Mateo), at mga sekswal na imoralidad - kalibugan (cf., "Moralidad Kristiyano: Masturbasyon - Mortal na Kasalanan sa Banal na Mga Kasulatan" at pang-pagkakataon o "kaswal" na mga pakikipagtalik na lalo pang opisyal na itataguyod ng Pamahalaan ng 'matuwid na landas' daw sa paggamit ng "condom" at iba pang pamamaraan na pipigil sa natural o likas na kinahihinatnan ng paglabas ng semilya sa loob ng babae: ang pagbubunga ng anak), kahalayan, pangangalunya, pagtatalik ng mga hindi-kasal, at maging homosekswalidad. Kung sa pagdami ng mga 'Katoliko' daw ay katambal ang paglaganap naman ng kasalanan at kabuhungan, maliwanag na hindi ang Pananampalatayang Katoliko kundi ang huwad na 'Katolisismo' ng Vatican II (cf., "The Year That Was 1929" sa Ignis Dei) - kasama din ang huwad na 'Kristiyanismo' ng mga pangkatin-na-"Biblia-lamang" ["Kung ano lamang tahasang binabanggit ng Biblia": pundamental nilang prinsipyo na, ayon sa sarili nilang pamantayan, ay di-sa-Diyos - hindi nasusulat kahit sa huwad nilang opisyal na 'Biblia' daw, ang King James Version (na ipinabago ng sarili nitong mga 'awtoridad' - dahilan ng 1185 Revised Version - dahil maraming mga talata nito ay mali)], at Islam [ni Mohammed - 'sugo' daw ng Diyos katulad nina Moyses, Abraham, at, lalo't higit, ng Panginoong Hesus (na mga nagsipag-handog ng buhay na nakatalagang "sakripisyo") ngunit tanging walang "sakripisyo"!] - ang mas higit na lumalaganap. Ang "para daw maintindihan" sa "Bagong Ritwal ng Misa" sa katutubong wika ay hindi talaga ang Pananampalatayang Katoliko - na napapaloob sa mga pormularyo ng mga panalangin at mga seremonya ng Tradisyunal na Ritwal ng Santa Misa sa Latin - kundi iba na: ang "Makabagong 'Teolohiya Katoliko'" (bagong 'TEO[diyos sa Griego]-lohiya'! Cf., "The New 'Catholic Theology': The Ultimate Delusion of Vatican II 'Catholicism'").
---
* Maliwanag at mariing pinagbawal at kinondena ex cathedra ni Santo Papa Pio V ang pagkakaroon sa hinaharap ng isang "Bagong Ritwal ng 'Misa'" sa kanyang Bula Quo primum.

** Maliwanag at mariing kinondena ex cathedra ni Santo Papa Pio VI ang Misa sa katutubong wika ng mga mananampalataya - mungkahi ng Konseho ng Pistoia na maging ang Sinodo na ito ay kinondena - sa kanyang Bula Auctorem Fidei
---

...Ang Anak ng tao, kung Siya ay dumating, may masusumpungan ba Siya, isipin ninyo, na Pananampalataya sa daigdig? (Luc. 18.8). Dahil dito, ang Panginoon ay papasok sa kahatulan laban sa mga nananahan sa lupain: sapagkat walang katotohanan... at walang pagkakilala sa Diyos sa lupain. Bumabaha sa pag-aalimura... pagpatay, at ang pagnanakaw, at pangangalunya, at ang dugo ay nadaiti sa dugo (Oseas 4.1,2). Ibang 'diyos' - ibang Kristo - na ang kinikila: ang huwad na diyos at huwad na Kristo ng buong 'pagmamahal' na hindi alam mapoot, na hindi kayang magparusa na umaabot hanggang sa pinaka-ilalim ng impiyerno, dahil hindi marunong humusga. Napipinto na ang isang napakalakas na pagyanig na magbabagsak sa lupain na palalong kabisera din ng pagsuway at pagkutya sa Relihiyon na Katoliko na matagal nang opisyal na iwinaksi ng Estado sa Saligang-Batas nito bilang ang tunay na Relihiyon - lalo na sa paghatol ng sumpa ng Diyos laban sa mga Freemasons ("ang lungsod ni Satanas," taguri ni Santo Papa Leo XIII) na nagpapanggap na mga naglalatag at nagsusulong ng tunay daw na 'MAKA-TAO na progreso ng sibilisasyon' (ika-2 Setyembre na tagpo ng "Juan dela Cruz" ng ABS-CBN) kasamang higit ang pagtanggap, sa pamamagitan ng mass media, sa 'ikatlong kasarian' (isang diyabolikong pagbabago sa itinalaga ng Diyos sa Banal na Mga Kasulatan: nilikha Niya sila na lalaki at babae, Gen. 1.27) at nang tiwaling pagkahumaling na sekswal bilang isa nang 'normal' na kalakaran. Napakarami ang mababaon at masasawi sa kagimbal-gimbal na pagpapamalas na ito ng kapangyarihan ng paghihiganti ng Diyos din ng katarungan! Sapagkat mas mabuti pa para sa kanila na hindi na nila nalaman ang landas ng katarungan kaysa, matapos nila itong malaman, ay tumalikod sila sa banal na kautusan na iyon na ipinarating sa kanila... ang huli nilang kundisyon ay lalo pang malala kaysa sa una... ang totoong kawikaan ay nangyari nga sa kanila: bumalik ang aso sa kanyang isinuka: at, ang baboy, na nahugasan na, sa kanyang balaho (2 Ped. 2.21,20,22).


No comments:

Post a Comment