Wednesday, August 28, 2013

Moralidad Kristiyano: Masturbasyon - Isang Kasalanang Mortal

+

Kapistahan ni San Agustin
Obispo at Dakilang Tagapagturo ng Santa Iglesia 

San Agustin: "Iyo nang nilagot ang aking mga
pagkakakagapos" (Sal. 115.16) "sa mga
kahiya-hiyang gawain ng kahalayan"
(sa kanyang "Confessions").
Sa Liham ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galasya, sinasabi na ang mga gumagawa ng karumihan ay hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos (5.19,21 - mula sa Biblia Sacra Vulgata Latina ni Sn. Heronimo, opisyal na Saling Katoliko ng Banal na Mga Kasulatan). Bilang isang Hudio at pantas ng Batas ng Sinagoga, pinapatungkulan dito ni San Pablo Apostol ang karumihan sa Matandang Tipan na kung saan ang mga may sakit na ketong, yaong mga naglabas ng binhi [o ng semilya], at yaong mga napadaiti sa mga patay (Mga Bilang 5.2) ay pinapatawan ng pagpapalayas sa kampo ng mga Hebreo - kung saan nasa gitna nila ang paglagi ng Diyos sa pamamagitan ng Kaban ng Tipan, na siyang pigura at ngayo'y binibigyang kaganapan ng Tabernakulo na nakalagak sa ibabaw ng altar sa santuwaryong Katoliko. Sa sinasabi ni San Pablo Apostol hinggil sa mga marurumi na naglabas ng semilya, hindi nabibilang yaong mga naglabas ng binhi sa pakikipagtalik sa asawa (Lev. 15.16) - ngunit kamatayan para sa mga pumipigil sa natural o likas na kinahihinatnan ng paglalabas ng semilya sa pakikipagtalik sa asawa (Gen. 38.9-10): ang pagbubunga ng anak; hindi rin nabibilang yaong mga narumihan dahil sa pantasya sa kanilang pagtulog (Deut. 23.10) - bagaman kinakailangan nila, sa ilalim ng Matandang Tipan, na umalis sa kampo hanggang bago sila mahugasan pagsapit ng dapit-hapon - maliban na lamang na sa kanilang pagkakakagising dahilan sa paglabas ng semilya ay ikasiya nila ang kalugurang seksuwal na kasama nito. Samakatwid, yaong mga naglalabas ng semilya hindi para sa pagbubunga ng anak ng mag-asawa kundi para lamang masiyahan sa kaluguran na katambal ng sagradong gawain ng pakikibahagi sa kapangyarihan ng Diyos na magbigay buhay at pagkatapos ay nagtatapon nito ang mga gumagawa ng karumihan ("polusyon" na binabanggit ni Sto. Tomas de Aquino) na hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos.


No comments:

Post a Comment