Sunday, April 6, 2014

+
Ave Maria

Unang Linggo ng Mahal na Pasyon ng Panginoong Hesus 

Sa araw na ito unang iginawad ng mga Hudyo ang sentensya ng kamatayan laban sa Anak ng Diyos na, ang nasabing sentensya, kanilang isasakatuparan sa Biyernes ng susunod na linggo sa salang paglapastangan sa Diyos (Mt. 26.65). Dumampot sila ng mga bato upang ipukol sa Kanya (Jn. 8.59). 

Bakit 'di na nakapagpigil ang mga Hudyo? Ipinahiwatig ng Kristo ang pinaka-sentrong dogma ng Pananampalatayang Katoliko - na Siya ay Diyos: Siya nawa, siya nawa, sinasabi Ko sa inyo: bago malalang si Abraham, ay siya nang Ako (Jn. 8.58) - kung gayon, ang testimonya ng sektang itinatag ni Manalo ('Iglesia Ni Cristo' o INC), ni Joseph Rutherford (Mga Saksi Ni 'Jehova'), at ni Joseph Smith (Mormons o Latter-Day 'Saints') ay hindi sa tunay na Kristo kundi sa ilusyon ng Sinagoga ni Satanas (Apoc. 2.9; 3.9): Ikaw na TAO [LAMANG] ay ginagawa mong Diyos ang Iyong sarili (Jn. 10.33).

(Salin ng mga talata ng Banal na Mga Kasulatan ay hango sa edisyong Clementina ng Biblia Sacra Vulgata Latina ni San Heronimo - opisyal na saling Katoliko.)



No comments:

Post a Comment