Tuesday, April 15, 2014

+
Martes ng Ikalawang Linggo ng Mahal na Pasyon ng Panginoong Hesus

Tanong ng dakilang saserdote sa Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo: Ikaw ba ang Kristo na Anak ng Pinagpalang Diyos? (Sn. Marc. 14.61). Na sinagot ng Kristo: Ako. At makikita n'yo ang Anak ng tao na lumuluklok sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos, at dumadatal na kasama ang mga ulap ng langit (v.62). Kaya, pinunit ng dakilang saserdote ang kanyang mga kasuotan at nagwika: Ano pang dagdag na patotoo ang kailangan natin? Narinig ninyo ang kalapastanganan. Ano sa palagay n'yo? At kinondena nila Siya na dapat mamatay.

Sumasang-ayon ang mga sektang itinatag ni Manalo (#IglesiaNiCristo), Rutherford (#SaksiNiJehova), ni Smith (#Mormons), at iba pa na nagsasabing: si Kristo ay hindi Diyos kundi TAO [LAMANG]... (Jn. 10.33) - tama ang ginawa ng Sinagoga ni Satanas (Apoc. 2.9;3.9) na ang Kristo ng mga #Katoliko ay lapastangan sa Diyos at dapat ngang ipako hanggang mamatay sa Krus.


Patotoo ng Banal na Ebanghelyo ni San Juan na ang tunay na Kristo ng mga Katoliko ay Diyos rin na totoo: At yaong mga dumaan at nakakita ay nilapastangan [blasphemed] Siya: ...Iligtas Mo ngayon ang Iyong sarili na bumababa sa Krus. Ganon din ang mga punong saserdote na sinabing nanlilibak: Makita lang natin na bumababa ngayon sa Krus ang Kristo na Hari ng Israel ay maniniwala kami (Marc. 15.31,32).


No comments:

Post a Comment