Saturday, August 24, 2013

'Katoliko' daw? (I)

+

Kapistahan ni Sn. Bartolomeo
Apostol

Ang tunay na Iglesia na itinatag ng Panginoong Hesukristo ay pinamamahalaan ng mga obispo (episcopoi sa orihinal na Griyego) - Gwa 20.28. Ngunit, bukod sa ang tunay na Katoliko na obispo ay 100%* ayon sa Tradisyong Apostoliko (2 Thess. 2.14) sa kanyang doktrina at pangangaral, siya din ay nakikita bilang isang pirinsipe - O Diyos, ang iyong mga kaibigan ay naging lubhang karangal-rangal... mga maharlikang pinuno sa buong kalupaan! (Sal 138.17; 44.17 - salin mula sa Banal na Biblia Vulgata Latina ni Sn. Heronimo)
---
* "Dapat niyang pag-ingatan nang buo at walang bahid [ng anomang kamalian] ang Pananampalatayang ito." - Kredo Anastasyo, binibigkas ng mga kleriko at relihiyoso sa pagdarasal ng Breviarium Romanum sa Opisyo ng Prima tuwing Linggo
---

Prinsipe ng Iglesia, Kardinal Pacelli, na naging Santo Papa Pio XII

Santo Papa Pio XII nakokoranahan ng tiara
bilang Summus Pontifex,
Soberenyong Bikaryo ng Hari ng mga hari

Ngunit ang mga pinakikilala ng media na mga 'Katoliko' obispo:


Ang puno ng Neo-Katoliko na hirarkiya sa Pilipinas
sa kumperensya ng "FABC Office of Theological Concerns in Asia"
sa Kuala Lumpur, Malaysia 14th May 2013
"Isang tao na katulad ng iba" (rebolusyonaryong prinsipyo ni Core, Aklat ng Mga Bilang. 16.3) - palsipikadong konsepto ng pagpapari (ideya ng dating Agustinong monghe na si Martin Luther na naging ereheng ama ng mga mapangkating-"Biblia-lamang") ng Vatican II.

"Isang 'Pontifex' (obispo) katulad ng ibang 'Pontifex' (obispo)"...


Bagong 'Pontifex' o obispo ng Roma,
hindi na bilang bagong Summus Pontifex na kinokoronahan ng tiara

... at "Isang obispo katulad ng ibang bastardong 'obispo'":

Ang bagong 'Pontifex' ng Roma sa kanyang kasuutan na
istilong pang-Anglikano (katulad ng sa isang
bastardong obispo Protestante - larawan sa ibaba)

Isang punong-ministro Anglikano

Pagiging "simple" umano na siyang epekto na kapakumbabaan? Ngunit ani Sta. Teresita del Nino Hesus: "Ang kabanalan ay nasa pagiging kung ano ang nais ng Diyos na tayo ay maging" at ang "kapakumbabaan ay katotohanan". Ibig sabihin, "ang kapakumbabaan ay isang dibinong disposisyon na nag-uudyok sa atin na kunin at tanggapin lamang ang marapat na lugar natin sa mata ng Diyos" (Reb. Padre Gabriel dela Sta. Magdalena, C.D.). 

Sa pagbasura ng mga 'Modernistang Katoliko'-ministro sa maka-kamahalang posisyon at dignidad na ipinasya ng Diyos na parangalan kahit dito pa sa lupa ang mga inilapit Niya sa Kanya bilang Kanyang mga kaibigan na tulad ni Moyses (cf., Ex. 33.11), marapat lamang na sa pagkalaglag nila sa posisyon ng mga prinsipe na karangal-rangal ay lumagpak sila na kahiya-hiyang walang katulad! 



No comments:

Post a Comment