+
... Ang ating pakikipagbuno ay... laban sa mga prinsipalidad at mga kapangyarihan, laban sa mga pinuno ng mundo ng kadiliman na ito, laban sa mga espiritu ng kasamaan na nasa himpapawid" (Efeso 6.12, Banal na Biblia Vulgata Latina). Sa mundo ng kadiliman ay mayroon ding herarkiya o pamunuan kung saan si Satanas ay ang puno - sapagkat nais nila sa kanilang kapalaluan na maging Diyos (cf., Isaias 14.14) na sa Kanyang pamumuno ay nagtakda ng herarkiya sa Kanyang kaharian sa langit at dito sa lupa. Ang mga "maligno" at iba pang mga di-nakikitang nilalang ng mundo ng kadiliman ay bahagi ng herarkiya na pinamumunuan ni Satanas. Samakatwid, sila ay hindi kathang-isip lamang.
Ang mga 'ligaw na kaluluwa', kadalasan, ay mga masasamang espiritu na nagkukunwaring mga kaluluwa upang malinlang nila ang iba na gumamit ng mga pamamaraan na sa katunayan ay pakikipag-ugnayan sa mga diyablo. Kapag ang tao ay namatay, siya ay agad na inihaharap para sa kahatulan ng Diyos: makasama Niya sa langit, magbayad-sala pa sa Purgatoryo, o magdusa kasama ng mga diyablo sa impiyerno. ... Itinakda sa mga tao ang minsan silang mamatay, at pagkatapos nito ang paghuhukom (Mga Hebreo 9.27).
No comments:
Post a Comment